Are you saved? ...Prepare to meet thy God..(Amos 4:12).
Are you a good person?    Ligtas ka na ba?  Luwas ka na ba?  Yanong Plano sa Kaluwasan


                                                                                                                                                       

 
 
 
 
Metropolitan Bible Baptist Church, Perth, WA, Australia 
By: Romeo B. Macale, B.S.E., LL.B., M.Ed. 
 

aibigan, itong tanong ang pinakamatamis pakinggan sa iyo. Alam mo, natural po sa bawat isa sa atin sa ibabaw ng mundong ito ang umalis sa huling hantungan. Subalit, bago dumating ang huling sandali ng kamatayan, alam mo ba kung saan ka paroroon?

Kaibigan, sabi po ng Diyos, wala kahit isa sa atin ang hindi makasalanan. "Ayon sa nakasulat, Walang matuwid, wala kahit isa," Roma 3:10. Lahat po tayo ay nagkasala. Ayon po sa Banal na Aklat, "Sapagkat lahat ay nagkasala, at nawalan ng kaluwalhatian ng Diyos," Roma 3:23. Kaya, maliwanag po na walang matuwid sa atin. Matanda o bata, mayaman o dukha, maganda o pangit, anumang kulay ang ating balat, anumang uri ang ating relihiyon o pananalig, lahat po tayo ay makasalanan. Dahil po rito, ang masaklap na ating matatanggap sa Panginoong Diyos ay ang walang hanggang kaparusahan sa Impiyerno. "Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan kay Cristo Jesus na ating Panginoon," Roma 6:23. Mahal kong kaibigan, kahit mayroong nakatakdang parusa sa bawat isa sa atin, ipinaghanda po ng Panginoong Kristo Jesus ang kaloob na buhay na walang hanggan. Kung nais mong tanggapin itong kaloob, simple lang ang gagawin mo. Gawin niyo po ang nauunang tatlong puntos na sumusunod: 
  1. Tanggapin po ninyo na ikaw ay isang makasalanan. "Sapagkat lahat ay nagkasala, at nawalan ng kaluwalhatian ng Diyos, " Roma 3:23.

  2. Magsisi po kayo ng lahat niyong kasalanan. "Sinasabi ko sa iyo, Hindi: subalit, maliban lang kung kayo'y magsisi, kayong lahat din ay mamamatay," Lukas 13:3, 5.

  3. Manampalataya po kayo kay Panginoong Cristo Jesus, bilang Siya lamang ang inyong personal na Panginoon at Tagapagligtas nang iyong buhay. "At sila ay nagsabi, manalig kay Panginoong Cristo Jesus, at ikaw ay maliligtas, at ang iyong sambahayan," Gawa 16:31. Kung gusto po niyo maligtas ngayon mula sa kasalanan niyo, manampalataya po kayo kay Panginoong Cristo Jesus at tanggapin po ninyo Siya bilang personal at tanging Tagapagligtas. Kung nanalig kayo sa Kanya, maaari po kayong manalangin upang magpasamat sa kaligtasan na ibinigay ni Panginoong Cristo Jesus tulad ng mga salita sa ilalim.

    "Panginoong Cristo Jesus, tinatanggap ko po na ako'y isang makasalanan. Karapat-dapat lang po, na ako ay tumanggap ng inihanda Niyong parusang kamatayan na walang hanggan sa Impiyerno. Subalit inialay niyo po ang inyong buhay sa Krus bilang kabayaran ng aking kasalanan. Humuhingi po ako ng kapatawaran sa aking mga kasalanan. Linisin Niyo po ako sa pamamagitan ng iyong banal na dugo mula sa aking pagkakasala. Iligtas po Ninyo ako mula sa kaparusahan ng aking kasalanan at sa Impiyerno na walang hanggan. Panginoong Cristo Jesus nanalig po ako sa Inyo na Ikaw lamang ang aking tanging Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay mula ngayon at magpakailanman. Ito po ang aking samo at dalangin sa pangalan ng Panginoong Cristo Jesus, Amen."
    Kung taos-puso po ang inyong pananalig kay Panginoong Cristo Jesus at pagsisi ng inyong mga kasalanan, niligtas na po kayo Niya mula sa walang hanggang kaparusahan ng kasalanan doon saImpiyerno. "Sapagkat ang Diyos ay labis na umibig ng sanlibutan, na kanyang ipinagkaloob ang kanyang bugtong na Anak, na kung sinuman ang manampalataya sa kanya ay hindi mamamatay, ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan," Juan 3:16. Sa ngayon po, poydi mo nang gawin ang tatlo pang huling puntos sa ilalim. Subalit, liliwanagin ko lang po na hindi mo kailangang gawin ang naturang tatlo pang puntos kung hindi pa po kayo nanampalataya at tumanggap kay Panginoong Cristo Jesus bilang personal at tanging Tagapaglitas. Ang dahilan po ay ang pagbinyag, pagsapi sa isang simbahan, mga pagdasal, o mamuhay upang madala ang iba kay Panginoong Cristo Jesus, ay hindi batayan upang maligtas ang isang makasalanan (Markos 16:16; Gawa 4:10-12).

  4. Magpabawtismo (magpabinyag) po kayo. Nagsabi si Cristo Jesus, "Siya na nananalig at nagpabawtismo ay maliligtas; subalit siya na hindi nananalig ay mapapahamak," Markos 16:16.

  5. Sumapi po kayo sa isang Simbahan na nagtuturo at nangangaral ng Salita ng Diyos sa mga miyembro at panauhin. "Huwag pabayaan ang pagtitipon natin, katulad ng ginagawa ng ilan, ngunit magsipangaral sa isa't isa: at higit pang palakasin, habang nakikita ninyo ang araw ay papalapit," Hebreo 10:25.

  6. Mamuhay upang madala ang iba kay Panginoong Cristo Jesus. "Pahintulutang lumingning nang maigi ang inyong liwanag sa mga katauhan, upang makita ng iba ang inyong mga gawa, at magbigay puri sa inyong Ama na nasa langit," Mateo 5:16.
Kung hindi mo matagpuan ang Simbahan na tinutukoy po rito, puwede pong puntahan mo itong Webpage ko sa http://www.mbbc.com.au, o padalhan po ninyo ako ng email sa pastor@mbbc.com.au.

Ikinalulugod ko po ang inyong pagbibigay ng halaga at panahon sa inyong kaluluwa. Kanina po, tinawag kita na kaibigan, ngayon po, kung taos-puso po kayong nanalig sa Panginoong Cristo Jesus, maaari na po kitang tawagin na Kapatid sa pananampalataya sa Panginoong Cristo Jesus.

Kung sakali mayroong kang tanong, tungkol sa kaligtasan at iba pa, padalhan po ninyo ako ng email sa
pastor@mbbc.com.au. Marami pong salamat. Maganda pong paglalakbay.
BREAKING NEWS

baptist news World News
baptist news Letter of homosexuality 
    not hate speech
 
    - judge rules

baptist news 
Climate Change ‘Fraud’
baptist news Muslims ‘Honour killings’
baptist news Sudan’s indecent
    standards
baptist news Modern Youth Ministry
    Unbiblical

baptist news Communists crushed
    Christian churches
baptist news Christians sent to
    labour camps
baptist news Pastor shot dead
   in Somalia
baptist news Forced to hide in prayer
baptist news Obama omittted God
    in Thanksgiving
baptist news Obama sent from God
baptist news Godless holiday
    campaign
baptist news Pastor departs on
    homosexuality
baptist news Good God presentation
baptist news Inconvenient lie      
exposed
Metropolitan Bible Baptist Church Blogs
DISCERNING NEWS

baptist news Judgmentalism
baptist news Bible separation
baptist news Bible standards
baptist news Legalism
baptist news Is it right to judge
baptist news Touch not God's 
    annointed
baptist news 
Baptist name 
    abandoned
baptist news 
Wanted: True New
    Testament Baptists
baptist news 
Speaking in tongues
baptist news Big Bang theory
baptist news Lordship salvation
baptist news Easy believism
baptist news Baptist brideism
baptist news Euthanasia
baptist news Raising delinquent
 
    children


Metropolitan Bible Baptist Church